Monday, November 27, 2006

rebyus: casino royale

sa mga nagsasabi na ndi bagay si daniel craig bilang bagong 007, sa tingin ko na miss nila ang point ng istorya. and that is to present james bond BEFORE he became a double-o agent at ang kanyang TRANSFORMATION to became the 007 that we all have seen before. saka daniel craig portrayed james bond the way he was written in the novels by iam fleming. a blunt instrument. and that is exactly why craig is perfect to portray james bond sa movie na ito. kung napanuod nyo ang pelikulang Layer Cake, sa tingin ko eh mare-realize nyo na bagay tlga sya bilang 007.

naghahanap ka ba hanep na action sequences? sa simula pa lang ng movie, marami na. starting from the black and white intro to the "free running" sequence na ginawa sa isang construction site. wow. puno rin ng close combat sequences at ilang good enough gun fights. meron isang car chase sequence sa airport at gun fight sequence sa isang building na nagko-collapse. at ang bagong james bond na ito eh talagang hand-to-hand combat ang expertise. brusko. at mukhang ndi talaga papahuli ng buhay.

naghahanap ka ng "bond girls"? meron din nyan dito. panalong-panalo si eva green sa aking puso pagdating sa pagiging isang bond girl. the last bond girl na nagustuhan ko talaga ang character eh ung kay sophie marceau dun sa the world is not enough. pero si eva green. wow. panalo. as in. dun sa isang scene na nasa washroom sya at maglalagay pa lang ng makeup. wow. parang anghel. sobrang galeng din ng mga verbal swordfights nilang dalawa ni daniel craig, nakakaaliw. di nkakapagtakang na-inlove ng husto si james bond kay vesper lynn. nakahanap ng katapat eh.

naghahanap ka ng asteeg na gadgets? well, sorry. wala nun dito. as in walang over the top gadgets. wala rin si Q (ang imbentor ng mga 007 gadget). pero ayus lang. kse sa totoo lang, isa sa mga naging dahilan kung bakit naging ridiculous ang previous na bond movies dahil sa OA na gadgets. invisible car? yeah right.

pero pra sa akin, kaya naging magandang bond movie ang casino royale dahil sa ginawa nila ulit na "tao" si james bond. sa mga previous movies (lalo na ang mga brosnan bond films) eh naging superhero na si james bond. hindi na sya isang magaling na spy lang, nagi na syang isang pulis pangkalawakan. ikaw ba naman ang mag windsurfing pagkatapos tirahing ng isang solar laser ang sinasakyan mo. pero dito, binalik nila si james sa lupa. binugbog, nilason, halos patayin at dinurog ang puso (at least alam natin kung bakit ganun na lang ang trato ni james sa mga babae). nagkaroon ang mga viewers ng emotional attachment sa character ni james bond kasi naging mas humane ang character nya.

at oo nga pala, this movie presents one of the best torture scenes i've seen in the movies lately. one word. ballsmasher. hehe.

kung ndi nyo pa napapanuod, eh ano pang inaantay nyo? pasko? baka MMFF na ang aabutan nyo.

Tuesday, November 21, 2006

bad news for peter jackson fans.. and LOTR fans as well..

sa mga nag-aantay na magawa na ni mr. peter jackson ang long awaited na "The Hobbit" movie, well be ready to shed some tears..

it seems na hindi na matutuloy na si PJ ang magdi-direct ng The Hobbit. syet. and New Line Cinema daw ang naf-decide na maghanap na ng ibang director para gawin ang The Hobbit. stoopid decision, i believe. PJ have have made such a great film with the LOTR series and with him doing The Hobbit movie would make it blend better to the world he created on film. bringing a new team on board would just make it harder for them to make their own version blend with the LOTR series that going to be the measuring stick for all epic fantasy movies to come. and besides, those are really big shoes to fill sa pag-alis ni PJ sa project. fucking stoopid New Line execs.

hay.. ganun talaga siguro.

para sa whole article kung san ko ito nalaman, go here: http://www.theonering.net/staticnews/1163993546.html

Friday, November 17, 2006

i'm officially missing you.. naks!

hay..

miss ko na bebeh ko. almost 2 weeks ko na syang hindi nakikita. puro lang kami text at chat. hindi na naman kami magkikita this weekend dahil sa kanilang "team building" sa laguna [yata]. miss ko na kulitan namin. miss ko na yung pagtambay namin. dami na naming mga movies na nalampasan. korni naman kung manunuod ako mag-isa. at siguradong magtatampo yun kapag nanuod ako mag-isa. hehe.

sana magkaroon ng himala at biglang magkaroon ng pagkakataon na magkita kami nitong darating na week. pero pansamantala, tititig na lang muna ako sa mga litrato namin nung huli kaming magkasama..

hehe.. mga kapraningan sa loob ng fx. syet.. nami-miss tuloy lalo kita! mwah! ^_^

Thursday, November 16, 2006

so far so good..

one week na kaming nag-ooperate nung aming munting computer shop, at so far eh ok naman..

well, at least eh may pambayad sa kuryente at tubig at groceries. ung pambayad sa upa ng lugar eh medyo maabot din pagdating ng katapusan. talagang kalaban lang ang pagdating ng gabi dahil karamihan ng mga pang-gabi eh yung mga gustong mag-chat, surf at network games. [kaunti kasi ang lag kapag gabi na. hehe.]

pero kapag umaga, maganda naman ang kita. lalo na yung aming snack bar. malakas din ang benta ng kape, kahit na instant 3-in-1 lang. bigla nga kaming naubusan ng stock ng chippy [loves naming talaga!], zesto at yosi. kaya kahit middle of the week eh namili ng mga supply. dagsaan din ang mga estudyante na hindi ko na gustong malaman kung cutting-classes ba sila o uwian na talaga. hindi nga lang maiwasan minsan na pupunta lang sa shop para tumambay at hindi para mag-computer. pero ok lang. darating din kami jan. hehe.

sa isang tipikal na hapon sa amin munting shop, ito ang mga eksenang makikita..

wag na lang pansinin ang pa-cute na ito. wala kaming magawa, araw-araw nasa shop namin yan. hehe..


hindi po kami nagbebenta ng liquor sa aming snack bar, display lang po ang red horse na bitbit ng estudyanteng iyan. promise. [totoo!] ako mismo uupak kapag may nag-inuman sa shop ko. hehe. C2 at zesto lang ang drinks na meron kami. syempre, tamang refreshment lang, ndi tamang sipa ng kabayo.. hehe.

mga suki namin yan sa shop.. actually, hindi ko pa sila personally nami-meet. malamang, eh nasa office ako ng mga oras na iyan. pero ang kwento sa akin ng mga bantay ko sa shop eh halos araw-araw nasa shop namin ang mga ito. sana eh magbitbit pa sila ng maraming tropa nila sa aming shop. para lahat eh masaya. may matatambayan sila, may kikitain naman kami. ayuz!

tumagal-tagal pa at siguradong papatok ang pwesto namin. nararamdaman ko na. hehe. pagdating ng internet connection [mga next week na yun], eh magpapa-opening ulit ako. with banners, music and everything. para masaya. at sana eh dumami pa ang suki namin. aja!

Friday, November 10, 2006

hap eslip.

i have found this really funny blog site by a Filipina actress living in the States. Her videos are really funny and entertaining. and she does all the technical work of the videos! from shooting to editing. asteeg.

that christine lady surely cracks me up with her antics. hehe. ^_^ you rock!

bisitahin sya sa http://www.happyslip.com

first day high!

phew! kakapagod pala talagang magpa-takbo ng computer shop...

siguro ngayon lang ito. nagsisimula pa kasi. at talaga namang mahirap ang kita sa isang "internet cafe" kung wala ka pang internet connection. [nyahahhhahaha!] andami kasing naging hassle sa pag-aasikaso ng business permit at pldt dsl na yan. sakit sa ulo.

sa unang araw ng pagbubukas ng shop, wow. parang wala lang. hehe. pagbukas namin ng 9:30am ito ang eksena...


ayus. iilan lang ang naglalaro. ganito ang eksena hanggang mga 2pm ng hapon. kung saan medyo nakabawi [though maliit pa rin ang kinita compare sa ini-expect namin]. uwiian kase [o break time lang yata] ng mga hayskul sa paaralan na malapit sa aming shop. mga aroung 20+ na estudyante ang nagdatingan at naglaro ng DotA, WWE Raw, NFS Most Wanted at Sid Meier's Pirates. Meron ding naglaro ng classic na Counterstrike 1.3 at ung Call of Duty. sayang lang at hindi ko na nakunan ng litrato kase biglang naging busy. kaka-excite din kahit papaano.

yun nga lang, pagdating na naman ng gabi, matumal na naman ang bentahan. iilan lang ulit na kabataan ang naglaro [karamihan pa eh mga tropa ng utol ko] karamihan kasi ng mga pang-gabi eh yung mga gustong mag-internet, chat, online games. sayang naman. bawi na lang next week.. sana nga eh next week may internet connection na kami.

pagdating ng gabi, troubleshoot ng ilang pc. may unit kase na paulit-ulit na nagkakaroon ng fatal error sa DotA. hindi ko ma-gets kung bakit..


yan po ako habang nagche-check up ng isang pc na pasaway. hehe. mga 11pm na yan ng gabi. almost closing time na. at talagang wala ng customer..

sana sa mga susunod na araw eh dumagsa na ang mga tao. nitong second day ng operation, mas malaki na ang kinita compare sa first day. meron na ring mga nagpa-print ng mga docu at nagpa-scan ng pics nila. tyaga na lang talaga siguro muna. kahit pambayad upa lang muna.. ^_^

Wednesday, November 8, 2006

long time no see!

bwahahahhahahhaha! sa wakas ay nagkapag-post na ulit ako! antagal ko ring nawala sa sikulasyon. kasi naman po itong PLDT, sobrang bagal sa serbisyong publiko. dalawang linggo rin kaming walang internet dito sa bahay, at kahit na alam na nila na problemado ang linya dito sa bahay namin eh hindi pa rin sinolusyunan ng agad-agad. ewan ko ba naman sa kanila.

well, at least meron na ulit connection. bawas sa init ng ulo ng nanay ko (kse ndi sya makapag-chat sa mga online friends nya) at sa init ng rin ng ulo ko (kse ako ang kinukulit ni nanay kung bakit antagal na daw naming walang internet connection). hehe. hindi ko naman kase mabisita sa office ang mga peborit sites ko, basa masita pa ako. sabihin nila eh i'm using company services para sa kung anu-ano lang.

sana nga lang eh naayos na talaga ang problema sa linya namin sa telepono. ayoko ng maraming masyadong hassle sa buhay ko. hehe.

-------------------------------------

nga pala, bukas ay official opening na ng aming computer shop dito sa may amin. woohooo! sa wakas!

though may unting mga hassle pa. until now eh wala pa kaming internet connection kasi sobrang na-hassle at natagalan ang pag-asikaso ng business permit ng shop (na kailangan para mkapag-apply ng business plan ng DSL). ewan ko ba naman, ginamitan na nga ng mga kakilala sa cityhall eh ganun pa rin. so tyaga na lang muna sa LAN games (DotA, anyone?), word processing, printing, scanning at ilan pang services tulad ng CD burning (mp3, anime, porn, etc), video and graphics editing (side project ni utol), at syempre ang aming snackbar.

sana lang talaga eh maging successful itong aming business venture. mukhang malakas naman ang mga computer shop sa lugar namin kasi malapit sa school (pero more than 50 meters naman. hehe.) at maraming mga boarding house na puno ng mga estudyante. so basically eh maraming possible customers. ang kailangan na lang eh magandang mga gimik para pang-hatak ng mga tao. naisip ko na magpa-DotA tournament, tutal eh maraming adik na adik sa laro na yun.

if may mga ideya kayo ng gimik para sa internet shop, comment nyo naman. hehe. salamats!

-------------------------------

blah blah blah..

wala lang.. wala na akong maisulat eh. hehe.