Wednesday, June 27, 2007

workload (daw).

sa wakas eh may ginagawa na rin kami dito sa oficina. after almost two weeks (except sa mga isa o dalawang araw na may tinuturo sa amin dito na bago) of tengga and petiks mode eh meron na kaming ACTUAL workload. hehe.

sa wakas eh hindi na ako gaanong mabo-bore sa kakatitig lang sa monitor ko all day, reading wikipedia and random blogs all over the net. sa wakas eh magagamit ko na ang mga natutunan ko sa training namin tungkol sa paggamit ng Mira Logico. bwahahahahahha! though relatively madali (pootek! ang yabang ko!) lang naman ang paggawa ng mga prototype webpages gamit ang Mira, mas ok na ito kesa sa petiks mode. nakakahiya naman sa mga spanish counterparts namin dito kung silang lahat eh busy tapos kami eh tengga lang lagi.

para sa araw na ito, binigyan ako ng dalawa na hanggang bukas ko dapat magawa. pero mukhang kaya namang matapos agad. sana laging ganito, para hindi boring. pero sana eh hindi forever na ganito lang, mabobo ako sa programming skills ko niyan kapag ganyan lang. haha!

eneweis.. sa darating nga pala na weekend eh punta kaming madrid upang mag-ikot-ikot around allover sa city. though wala pang final details ng itinerary, mukhang tuloy na tuloy ang lakad. update na lang ako ng pics sa multiply account ko kapag meron ng available pics from that trip. hmmm... sana mabili ko na rin ang regalo ko sa kapatid ko na real madrid jersey ni beckham. sana meron pang stock, lalo na last season na pala ni beckham para sa real madrid.

yeah.. yun lang muna. its a slow life ngayon dito eh. kaya wala masyadong kwento. haha!

Friday, June 15, 2007

pootek!

okay, so starting kahapon eh ang gamit na namin (mga noypi dito sa INDRA, ciudad real) na mga login accounts sa aming mga pc eh ung official na INDRA accounts, complete with all the access and RESTRICTIONS that comes with it. at ayun na nga, nagsimula ang delubyo ko dito.

nawalan na ako ng access sa kahit na anong instant messenging services mula sa yahoo, msn, meebo, chikka. so basically, i have no means of having real time conversations with my family, friends, and contacts back home in the pinas. kamusta naman yun!?! ang natitira na lang na IM service na gumagana sa akin dito eh yung integrated gtalk sa aking gmail account, at wala akong nakakausap sa gtalk ko kasi lahat ng contacts ko eh nasa yahoo. ang saya-saya.

ang iniisip ko na madalas na update galing sa family ko sa qc eh mukhang madadaan sa mga emails na ipapadala sa akin ng nanay at kapatid ko. at sana ngayon na wala na akong IM capabilities eh mapadalas ang emails nila. hindi ko na rin mache-check in real time ang status ng computer shop namin, lalo na ngayon na nagsisimula na ulit na gumanda ang kita. hindi ko na makakakulitan ang mga repapips at dabarkads ko na nakukunan ko na updates tungkol sa mga happening sa pinas.

at ang masama pa nito, marami sa mga sites na madalas kong pinupuntahan (tulad ng newsarama, rottentomatoes, waiterrant, etc.) eh blocked na rin. ok lang na mablock ung friendster, multiply at kung anu ano pang networking sites na yan. basta may mababasa naman ako na interesting para sa akin eh ok lang, yung tipong pampalipas ng oras sa mahabang tengga kapag wala ng ginagawa dito sa office.

kung kailan naman wala na kaming makuhang wireless connection sa apartment namin, saka naman tuluyan ng nawalan ng paraan para makausap ko ang mga tao sa pinas. hay.. kapag minamalas ka nga namang talaga.

so, sa mga madalas ko kachikahan sa ym, pasensya na. medyo matagal nyo akong hindi makakausap. bawi na lang sa email! hehe.

Tuesday, June 5, 2007

the barcelona getaway: day one

sa unang araw ng aming stay sa barcelona, ang itinerary namin ay:

1. Boqueria Market
2.
Catedral de la Seu
3.
Placa del Rei
4.
Placa Sant Jaume
5.
Catalan Gothic Santa Maria del Mar @ Barri de la Ribera
6.
Museu Picasso
7.
Placa de les Olles – Cal Pep (for the best Tapas in Barcelona)
8. hanapin ang pinakamalapit na KFC. hehe.

sa walong yan, lima lang ang aming napuntahan. kasi naman, nagsimula kaming mag-ikot ikot eh mga 4pm na ng hapon. nagpahinga pa kasi kami ng medyo mahaba pagkatapos magbaba ng gamit sa montserrat. bago kami sumabak, nagpatulong muna kami sa friendly staff ng montserrat para alamin kung saan mtatagpuan ang mga balak naming puntahan at kung papaano pupuntahan ang mga ito. binigyan nila kami ng mapa ng barcelona at ng metro (subway train) network para makatulong sa aming paglalakbay.

pagdating namin ng Las Ramblas, pagbaba ng estacion Liceu, eh hinanap agad namin ang pinakamalapit na KFC. balita namin eh marami raw pinoy na tumatambay doon. saka sobrang nagcrave lang kami ng KFC. hehe. pagkatapos kumain, nilakad namin ang kahabaan ng Las Ramblas. tingin-tingin. sipat-sipat. una naming nakita ang Boqueria Market. asteeg dun! parang eccentric version ng tutuban market! hahahaha! sarap sanang mamili dito kaso wala kaming mayadong budget sa mga kung anu anong bibilhin. nagdecide na lang kami na babalik kami ng july, malamang may ipon na kami nun, makakabili na kami. haha!

sunod naming pinuntahan ang barri gothic. dito naman ay may mga bilihan ng mga lumang trinkets at ilang antique items. at dahil nga kami ay tight in budget, medyo pigil sa pagbili. picture picture lang muna. doon nakita namin ang catedral de la seu, at talagang ako ay namangha sa ganda ng catedral na ito. pagpasok mo sa loob, ang dilim tapos ramdam at amoy mo ang luma ng gusali. medyo malamig din sa loob, dahil siguro sa bato ito gawa. ganda ng mga gothic details, stone carvings at displays na nasa loob nito.

paglabas namin ng catedral, nag-ikot ikot kami sa paligid nito. nakakita kami ng isang garden na may mga orange trees. very relaxing ang scenery kaya napilitan kaming magpahinga muna doon, umupo at nagpicture taking. pagkatapos nun, may nakita kaming isang grupo ng street musicians. dodo ang pangalan ng banda nila at okay ang kanilang indie music. napabili nga ng cd ang kasama naming si clara. hehe.

pagkatapos naming manuod ng mini concert ng bandang dodo eh nagdecide ulit kami na magikot ikot. at iyon nga, nadaanan namin ang placa del rei at placa sant jaume sa aming pagiikot ikot. though ndi na namin masyadong naikot ang mga plaza na ito dahil sa nagdidilim na at hindi pa namin masyadong kabisado ang daan pabalik ng hostel na tinutuluyan namin.

all in all, it was a good start. yung hindi namin naubos na chicken na binili sa kfc eh kinain namin for dinner kasama ng ilang cupcakes. pagkatapos manuod ng tv at magkwentuhan, nagpahinga na at hinanda ang sarili sa maagang pagiikot kinabukasan.

the barcelona getaway.

so im back here at ciudad real after a 4 day long weekend. hehe. so yun nga po, katulad ng aking naikwento na nitong mga nakaraan, ako at dalawa kong kaibigan dito ay nagdecide na pumunta ng barcelona upang makapag-sight seeing at ma-experience naman ang pakiramdam ng isang totoong turista sa isang banyagang bansa.

noong araw na kami ay paalis, medyo taranta mode pa kami noon. kasi naman, until then, wala kaming mai-book na rooms na tutuluyan namin pagdating ng barcelona. alangan namang matulog kami sa park, kamusta naman yun, diba? buti na lang at the last minute eh may nahanap kami, na medyo mura at may available rooms sa mga araw na kailangan namin. at nasolusyunan din ang problema ng matutuluyan namin sa madrid from 11pm ng may31 to 6am ng june1. medyo may malaking gap kse yung travel namin from ciudad real to madrid at ung madrid to barcelona. ayaw naman naming mag-ikotikot ng alanganing oras sa madrid (dahil daming loko dun) at wala na rin kaming makuhang rooms. buti na lang at may pinsan pala ang isa sa mga kasama ko doon sa madrid at ok naman daw na dun muna kami mag-stay ng mga alanganing oras na iyon.

pagdating ng 6:25 am, june 1, lumarga ang aming sinasakyang tren papuntang barcelona. though of course, as always, hindi naman kami nawawalan ng hassle sa pagbayahe. dahil almost 20km away from the destination, may narinig kaming usap-usapan na may sunog daw sa train station na hihintuan namin. saya diba? so naa-delay ang pagdating namin at hindi na namin na-meet ang tita ng isa sa aking mga kasama. sayang yun, kase baka may mga tips or something na pwede silang maibahagi sa amin sa kanilang pagstay sa barcelona. hehe.

nakarating kami sa aming tutuluyan na hostel (ang very welcoming na Monserrat Youth Hostel). buti na lang at fluent sa iba't ibang languages ang mga staff nila so hindi mahirap makipagusap. at very friendly and accomodating sila! sayang lang talaga at hindi namin sila nakuhanan ng pics. busy rin kasi sila ng sobra. ng dumating kami doon, daming mga kabataan na nka-book mag-stay at kami naman eh laging on the go noong nandun na kami. hehe. at yun na nga, simula ng aming 3 day adventure sa barcelona..

itutuloy..