parang normal na araw lang ngayon; gumagawa ng workload, nakikipag-chat sa gtalk, tumutulong sa paperwork na kailangan sa implementation na gagawin sa pinas. pero parang lang. dahil kahit na medyo may mga ginagawa ako, hindi nawawala sa isipan ko ang mga sandaling panahon na nalalabi ko dito sa office at eventually sa espanya.
ito nga pala ang hitsura ng harapan ng office namin:
asteeg noh? ganda na sa labas, maganda rin ang loob. though wala lang talaga pala akong kuha sa loob ng office na ito, pero marami akong magagandang alaala sa loob ng edificio na iyan. naks! kahit na madalas ay hindi kami nagkakaintindihan ng mga companyeros naming na espanyol, ayos lang, mababait naman kasi sila. at kahit na balu-baluktod silang magsalita ng ingles ayus lang, kasi barok naman kaming magsalita ng espanyol. haha!mami-miss ko ang mga overtime coffee at lunchbreaks namin jan. ang vendo machine na niyuyugyog para makakuha ng libreng junkfood. ang mabagal na elevator. ang glass ceilings na sobrang maliwanag kapag tanghali. si cecilia at sol ng front desk. ang mga cr sa 3rd floor na laging may tinatawag ni inang kalikasan. ang office ni ma'am adela na sya ring spanish teacher namin. wow.. great times.
medyo matatagalan pa ulit kung sakali man na babalik ako sa oficina na ito. talagang mami-miss ko ang lugar na iyan, pati na ang buong ciudad real.. pati na ang espanya.


