alangan namang ikwento ko dito kung gaano pa rin ako ka-bitter over sa issue na hindi ako makakasama team na papuntang spain nitong darating na july. na every time napapagusapan ang tungkol sa bagay na yan eh bumababa ang energy level ko, lalo na confirmed ko kahapon na kasama dun sa project na yun ang isa sa mga tropa ko (swerte mo ains, sobra). tapos kanina noong pumunta ako sa head office para mag-asikaso ng ilang bagay sa HR eh nakasalubong ko si sir ruel (na siyang nag-aasikaso ng mga papeles ng mga nade-deploy abroad) at nakiusap na ako na raw magdala ng mga paperwork na kailangang i-fillup nung mga aalis nitong july. of all people talaga, sa akin pa talaga pinadaan, diba?! hay.. kung alam mo lang sir ruel kung ano nararamdaman ko nung binigay mo sa akin ang mga papeles na iyon. oh well..
alam ko lilipas din ang nararamdaman ko na ito, pero sa ngayon, sobrang hindi ko lang talaga maiwasan na mainggit at kahit papaano, magtampo, dahil i know i DESERVE that spot sa team na iyon. i KNOW. at gustong-gusto ko lang talaga makabalik muli ng spain. ewan ko, pero sobrang nagustuhan ko ang lugar na iyon. i heart spain. sobra.
bukas, idadaan ko na lang sa panunuod ng movies para hindi ko na lang maisip yang mga bagay na yan. showing na ang "Wanted" and so far sa mga nababasa kong reviews eh positive naman ang sinasabi ng karamihan ng critics. siguro pagkatapos kong manuod bukas ng movie na iyon eh gagawa rin ako ng review about dun. tagal ko na ring hindi nakakapagsulat ng movie reviews sa site na ito eh. ang huli ko yata na naisulat eh yung sa "No Country For Old Men" pa.. tagal na nun. yung movie review ko yata para sa "Iron Man" eh hindi ko nai-post dito, nasa friendster site ko lang yata.
***
nga pala, may nakita akong naka-display na sennheiser HD201 headphones dun PowerMac sa megamall, so naisip ko na sukatin. oh man, parang anlaki nya para sa akin. hindi tulad nung sony MDR-V150 ko na perfect fit sakin. hirap talaga kung maliit na tao ka. hirap na nga maghanap ng kakasyang sapatos, pati ba naman sa headphones na maayos eh alanganin pa? syet talaga, parang nagdalawang isip tuloy ako na bumili nun.
how sad..
how sad..
***
ang hirap rin pala talaga ng isang araw, isang post no? kailangan ko pa talagang mag-stay up kahit na late na ako nakakauwi para mahabol ko ang mga pwede kong mailagay dito for the day. hehe.
kaya ko ito! aja!
kaya ko ito! aja!


2 ang umangal:
Hey mikko, salamat at nalink mo ako. sobrang busy kaya di ako masyado nakakacheck.. huhu
nako i know how that feels yung ikaw yun deserving tapos iba ang napupunta don.. parang watdaf*ck naman diba? at grabe sobrang sayang talaga yan...
naku kung ano man yan sennheiser HD201 na yan sana makuha mo na para manlang maging masaya ka diba? nakakalunkot talaga ung gnwang yan sayo sa work. naku work tlaga di maiiwasan ang intriga. hays first work ko to at amp talaga ang buhay dito. hay
aja mikko!! apir tayo! =)
@tentay - apir tayo! :)
well, about dun sa work related issue, i dont nmn na they mean "bad" para sa akin.. its just that they have other plans. mejo nagtatampo lang talaga ako dahil i really, really wanted to go back there..
now i know i have lots of responsibilities pa sa team ko dito and maybe that's one of the reasons y they chose not to send me away. tinitignan ko na lang sa point of view na they can't afford to not have me around yet. ganun na lang..
oh well..
so.. how's ur heart problem? :)
Post a Comment