Sunday, June 29, 2008

of pacmans and moonstars..

pinanuod ko yung laban ni manny pacquiao kanina (although hindi pay-per-view dahil wala akong budget sa mga ganyan) at talaga namang napahanga ako sa ipinakita niyang improvement sa larangan ng pagbo-boksing.

okay, hindi ako eksperto sa boksing, pero katulad ng maraming pilipino eh pinapanuod ko talaga ang mga laban n'ya. at sa laban niya kanina, pinakita niya na minsan, hindi lang importante ang punching power mo, dapat matalino ka rin sa loob ng ring at gamitin ang mga arsenal mo ng tama.

dati, kapag pinapanuod ko ang mga laban ni pacquiao, sobrang bilib ako sa bilis at lakas ng suntok nya. makikita mo sa mga dating laban nya kung papaano nya dinadala ang laban sa mismong kalaban niya. hindi sya natatakot na makipagsabayan dahil alam nya ang lakas niya. pero kanina, napabilib ako kasi iyon ang talagang "boxing". hindi lang sabayan ng lakas, kundi gamitan ng estratehiya. kaya madalas ay hindi ako nanunuod ng mga heavyweights eh. minsan, isang round pa lang, tapos na. pero sa mga ganitong weight division, nandito ang mga laban na masarap panuorin. mga laban ni mayweather, mga laban ni roy jones jr, mga laban ni oscar dela hoya.

sobrang sarap panuorin nung laban na iyon ni pacquiao kanina. ginawa niyang tenderloin ang mukha ni diaz. halos walang makapasok sa mga suntok ni diaz. kalagitnaan pa lang ng laban, alam mo na kahit na abutin hanggang 12th round ang laban eh mananalo si manny. nasa ibang level siya kanina. masasabi talaga nating one of the greatest.

pucha, galeng mo manny. ang tagay na ito ay para sa iyo!

***
isang eksena kagabi dito sa bahay.

utol: kuya mike, narinig mo na ung version ng moonstar 88 ng kantang "Senti"?

ako: hindi pa. bakit?

utol: pakinggan mo! ang galeng! kanina ko pa pinapanuod dito sa youtube. si gwen nga eh nakakanta na rin dahil kanina ko pa pinapaulit-ulit.

ako: sige, pakinggan ko mamaya.

fade to black.

at iyon na nga, pinakinggan ko, pero hindi kagabi, kanina lang ng bigla kong maalala yung eksena na iyon. so pumunta ako ng www.youtube.com at nag-search gamit ang mga keywords na "moonstar 88" at "senti". ito ang aking napanuod:



asteeg.

galeng ng post-rock harmonies na gamit nila, lalo na dun sa simulang part ng song. galeng din nung soaring guitar solos nila, na reminds me of john frusciante. inangkin nila yung kanta. kung meron sigurong tribute album para sa Yano, ito ang magandang single para sa album na iyon. at yung vocalist, holy syet, she has great pipes! and she's pretty to boot! pwedeng pantapat kay aia de leon.

bukas, pagkatapos ng trabaho, subukan kong dumaan ng trinoma at hanapin ang album na ito ng moonstar 88. sa kanta pa lang na ito, nahulog na ako. hehe.

rakenrol!

*note:
ngayon ko lang na-realize, last year pa pala lumabas itong version ng kanta na ito. hindi naman kasi ako masyadong sumusunod sa tugtugan ng moonstar 88. ang naaalala ko lang sa kanila eh ung torete na single nila. oh well..

4 ang umangal:

Mha'ri said...

waw! ma suggest nga tong song nato sa jamming! yah i agree... i saw them perform live, too. and they are awesome!

mikko said...

@mha'ri - ay, bandadista kna nga pala. yabang. wag mo ako kakalimutan kapag sikat kna ha? hehe.. :P

hay mha'ri.. miss u na.

TENTAY™ said...

kawawa nga si diaz eh, pati shorts dinugo. huhu.. =(
shopping spree na kay jinky!! wahaha

mikko said...

@tentay - oo nga eh, kinawawa ni pacquiao si diaz eh.. okay lang, malaki rin nmn ang kinita nya sa laban nila..

Post a Comment