Sunday, July 27, 2008

yey! reunion concert daw! sana walang plastikan!

excited ka ba sa umiikot na balitang magkakaroon ng one-night-only concert ang THE ERASERHEADS sa darating na ika-30 na agosto? ako, hindi masyado.

medyo mixed emotions ako pagdating sa usapang yan. on one hand, op kors natutuwa ako na magkakaroon ng pagkakataon na mapanuod muli ang pinakama-impluwensyang bandang pinoy ng ating henerasyon. dyosko, sino ba naman ang hindi gustong mapanuod sina ely, raims, buddy at marcus. diba? pero, on the other hand, bakit kailangan pang may perang involve para lang mapilit na tumugtog yung apat ng magkakasama? saka wala na bang issues between sa apat?

ang sa akin kasi d'yan, kung gusto nilang tumugtog for the fans, then do it for the fans. bakit kailangang may 10 million pesoses na kailangang maging panulak para matuloy ang event na ito?

unang-una, positibo na ba ang na "bati-bati" na yung apat? no hard feelings na ba since nung masalimuot nilang break-up years ago? nakapag-move on na ba sila sa kung anong mang issue na bumalot sa kanila at naging sanhi ng galit-galit mode para sabihin ni ely noon na "graduation time na"?

kasi kung hindi, eh di parang plastikan lang ito. sa tingin ko naman eh mapapansin sa kanilang tugtugan kung meron mang animosity between them, diba? at paano magiging masaya ang gabing yun kung ganun ang mangyayari? at kung ganun man, what's the fucking point of playing together kung hindi pa rin sila okay? i don't fucking get it.

pangalawa, talagang pera-pera na lang ba ang usapan? noong binabasa ko ang mga articles na related sa event na ito, wala akong ni isang nabasa na kaya nila gustong gawin itong event na ito eh dahil sa gusto nilang tumugtog ulit together. at sa mga articles na ito, talagang pointed out na nag-offer itong isang company ng malaking halaga para ma-convince sila na tumugtog. huwatdafak?!

kasi, kung ganun nga, na pera na lang ang dahilan, sobrang nakakalungkot. kasi hindi na ito ang eraserheads na hinangaan ko noon. hindi na ito yung eraserheads na tumutugtog para sa mga fans (Para sa Masa, anyone?). kung ganun na nga, eh isang exibition gig lang ito nina ely buendia (ng Pupil), buddy zabala (ng The Dawn), raimund marasigan (ng Sandwich) at marcus adoro (ng Marcus Highway).. at hindi ng eraseheads. kung ganun man, sobrang nakakalungkot yun.

sana sabihin na lang nila na bonus na lang yung offers ng malboro at talagang gusto nilang tumugtog ulit as a band as a way para matapos na ang mga issue between them at para tumugtog ulit para sa mga fans na i know eh talagang sobrang gusto silang mapanuod ulit as a group. sana ganun.

sa darating na august 30, 2008 hindi ko alam kung nandun ba ako sa CCP grounds at nanunuod ng tugtugan na iyon o nasa bahay at nanunuod ng 2008 olympics.

oh well..

5 ang umangal:

Mha'ri said...

same here haha!

iba yata ang manu-nuod ka ng tugtugan kc gusto tlga ng eraserheads tumugtog para sa tao at tumugtog ksama ang bandmates nila as a whole kesa ung gawing palabas lng ang lahat...

mikko said...

@mha'ri.. i know, ryt?

hay.. i just wish they could just play because of the fans, the music, and the good times of the past.. not the freaking money..

geez..

TENTAY™ said...

Miko? how are you?

mikko said...

@tentay - ei tentay! :) im okay po.. all is well and good.. ikaw po dapat ang tanungin ko kung "how r u?"..

so.. how r u na nga ba? :P

Herbert P. Mapiles said...

Ang cute naman blog mo marami ka pwedi matutunan, share kudin sayo mga blogs for reference:
1. http://kodigolegal.blogspot.com/
2. http://pampangaonline.blogspot.com/
3. http://alingiska.blogspot.com/

Post a Comment