Sunday, July 13, 2008

insignias & enigma: sa wakas!

simula ng marinig ko ang tugtugan ng bandang Neruda sa kanilang myspace site, inantay kong talaga na magkaroon ng kopya ng kanilang album. inantay ko ang mga buwan at sinubukang isa-isahin ang mga record bars sa mga mall na mapupuntahan ko para lang hanapin ang kanilang album. sinubukan ko na ring mag-email noon sa isa sa miyembro ng banda upang magtanong kung saan bang record bar ko pwedeng mabili ang kanilang album (dahil wala akong makuhang oras na sumunod sa mga gig nila at doon bumili ng album), pero ng subukan kong puntahan ang sinabing record bar, alaws pa rin.

pero kaninag umaga, pagbukas ko ng aking friendster account, nakita ko na merong bulletin post ang friendster account ng bandang Neruda. sabi doon na maari ng idownload (for free!) ang kanilang album sa site na binigay doon. nanlaki ang mga mata ko at dali-daling nag-type ng URL sa aking firefox3 browser at hinanap ang links para sa album download ng Insignias & Enigma na album.

at ayun na nga, after some minutes, meron na akong digital copy ng album (na kasama sa wish list ko noong nakaraang disyembre pa). happy day.

naalala ko tuloy yung unang beses na napanuod ko sila ng live, sa freedom bar yun, kasama ko ung banda ng tropa ko na tumugtog din noong gabing yun. naalala ko na bago tumugtog ung Neruda eh ung Kiko Machina pa muna. todo hiyawan kaming mga nanunuod sa kwelang tugtugan ng Kiko Machine. pero noong tumutugtog na ung Neruda, napatahimik ako. napabilib ako sa klase ng tugtugan nilang ang description sa kanilang site eh "experimental rock" daw. kapag pinakinggan mo ang kanta nila, maririnig mo ang influences ng progressive rock (mala-Coheed & Cambria), post-hardcore, industrial. galeng nila. pramis.

pero sana, makahanap pa rin ako ng kopya ng CD nila. hehe..

note:
para sa site kung saan pwedeng madownload ang kanilang album, pindutin lamang ang link na ito.

4 ang umangal:

iriz said...

ako ang unang aangal.

congrats kahit papano, may kopya kang digital.

avid fan na avid fan lang.

sana may makita ka ng cd copy. ;0)

mikko said...

hehe.. ndi nmn, tama lang.. saka gusto ko lang talagang laging nkakahanap ng mga bagong mapapakinggan sa local scene.. marami kseng magagaling na banda dto sa atin, hindi nga lang masyadong nai-expose kse mahina ang support ng mga record labels.. puro kse novelty acts ang gusto.. at cueshe.. eww..

bwahahahah! XD

TENTAY™ said...

nakanam napaka makabayan oh! :) galingan mo mikotuts! :)

mikko said...

@tentay - hehe.. syempre naman! love ur own! mga local acts nga lang ang mga may copy ako ng original na CD na album. bihira ako bumili ng mga foreign acts CD (except kung TOOL yan o tori amos o fiona apple.. mga ganun)..

support OPM!! rakenrol!

Post a Comment