ayun na nga, tentay, sorry naman po.. sobrang busy lang talaga sa work. hehe. :)
ngayon kasing week na ito, binigyan ko ang sarili ko ng schedule na mag-OT sa office ng until 9:15 (ayun kse ang alis ng huling shuttle from our building papuntang gate), hanggang biyernes ganito ang uwi ko. mayroon kasi akong dapat matapos na workload nitong linggo na ito, para ito sa isa pang project kung saan ako ang team lead, at sa darating na lunes, ika-14 ng hulyo ay kailangang mai-present sa aming boss ang mga hiningi nyang changes sa system na soooobrang tagal na ginagawa. no choice, big boss na ang nagbigay ng ultimatum.
kaya ayun, kapag dumarating na ako sa bahay galing office, sobrang pagod na. mentally at physically exhausted. mag-tutbras at mag-hilamos na lang ang nagagawa ko, derecho tulog na agad. kaya ayun, hindi na rin ako makapag-update nitong blog na ito. (ngayon nga eh nasa office ako, numanakaw lang ng oras para makapag-update. hehe.)
next week, for sure eh makakabawi ako, nasa training kasi ako sa makati noon, at laging maaga akong makakauwi. may oras ng makapag-update at makapag-kwento. medyo excited na nga ako para sa training na iyon ng Spring Framework at Hibernate (geek talk.. alert), sana marami akong matutunang bago at ma-validate ko yung mga alam ko na. mahirap na, baka yung alam ko eh hindi naman pala yung mga best practices para sa technologies na iyon. saka pampaganda sa resume iyon. hehe.
so ayun.. wala munang makabuluhang updates sa mga darating na araw, pasensya talaga.. except kung gusto nyo na ikwento ko ang mga codes na isinusulat ko sa mga modules na naka-assign sa akin. haha! eneweis..
Wednesday, July 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


7 ang umangal:
excited narin ako sa training mo! :)
@mha'ri - hehe.. teka, bakit excited ka rin sa training ko? :P
mha'ri!!! lapit na wall-e!! nuod tayo!! :D
sayang naman yung goal mo na 1 post a day. Oh well, good luck with work and everything.
@gillboard - uu nga eh.. :(
hirap lang talaga ng tambak sa trabaho.. bawi talaga ako next week..
aHHAHA talga special mention ako eh no nashock ako at natouch hahaha kasi lagi ko binibisita blog mow :) nakiki update lang din. hehehehheeh!!
nauunuwaan ko ang pagod mo. magpahinga ka naman! at next wik galingan mo ha! apir tayo! :)
ayan wala ulit oh! lol.
@tentay - apir!! haha! :D
salamat sa laging pagdalaw.. babawi talaga ako sa mga kwento next week.. try ko rin mamayang gabi, dito pa kse ako sa office (its a saturday, i know..), may mga kailangang ihabol lang.. hay.. ganun tlaga..
workaholic ito! XD
Post a Comment