holy syet! tatlong araw na walang post?! anong nangyari sayo?!!
hehe.. ang totoo po niyan eh naging busy lang. minsan, ang hirap lang talaga ng andaming dapat gawin o naka-planong gawin na sobrang mauubusan lang talaga ng oras. ganun pala talaga..
noong biyernes, naka-plano kami ng tropa na manuod ng pelikula. gusto nilang panuorin ung Wanted (although napanuod ko na yun at meron pa nga akong rebyu nun dito) at gusto nila magkaroon ng oras na makapag-bonding dahil si kaibigang jons ay nag-resign na at malapit na ang kanyang last day at itong si kaibigang ains naman eh papuntang spain sa july 25. so kailangan talaga namin ng pagkakataon na makapag-bonding. kaso ang nangyari eh absent si jons at ains, kaming dalawa na lang ni kaibigang lars ang naiwan. eh gusto talaga niya manuod, so ayun, we end up watching sa shangri-la. eh late na natapos at naulan pa, paguwi ko sa bahay, plakda. tulog. at wala ng pagkakataon na makapag-blog pa.
noong sabado, ayun the usual, kulitan with my peborit pamangkin na si gwen noong umaga. sinusulit ko ang mga pagkakataon na makipaglaro kay pamangkin kasi "bati" kami ngayon. noong mga nakaraang buwan eh hindi ako pinapansin nito. hindi raw nya ako loves. kamusta naman yun, diba? pero ngayon loves na nya ako, maraming-marami daw. hahahaha! buti na lang ako eh loves ko sya lagi.
noong hapon ng sabado eh nakipagkita ako kay miss aby manuel dahil meron akong surprise gift sa kanya (bertdey kasi nya noong july 3. happy birthday ulit bing! haha!). ayun, we had our usual "talk over coffee" sessions, pero this time eh naging "talk over ice cream". natuwa naman ako at nagustuhan niyang talaga ang gift ko sa kanya na medyo nahirapan akong hanapin. surprisingly eh nakita rin namin ang aming long lost friend na si thesis partner jet ravago. sobrang nakakatuwa na makita ang batang yun. ang aking buddy nung college days, ang aking ka-wavelength, ang aking dating padawan learner na ngayon ay isang ganap ng jedi knight.
at kahapon eh rest day ko. natulog lang ako magdamag, gumising ng alos dose ng tanghali, nakipaglaro kay gwen, binisita ang ginagawang kwarto sa third floor namin (excited na akong matapos ang aking bagong kwarto! bwahahahah!), at pagdating ng hapon eh ako'y tumungo sa pinakamalapit na david's salon at aking pina-trim ang buhok ko na feeling ko eh napapansin na ng aking boss at kailangan ko na talagang pabawasan.
nanuod rin ako ng ilang movies kinagabihan. ganda pala talaga nung Pan's Labyrinth. ibang klase talaga ang style ni guillermo del toro. na-excite tuloy ako para sa Hellboy II. pinanuod ko rin ung Batman: Gotham Knight na isang collection ng animated shorts na filler between sa movies Batman Begins at yung darating na The Dark Knight. para siyang yung Animatrix na lumabas noon bago dumating ung Matrix: Reloaded. parang ganun. ganda nung collection kailangang makabili ako ng original nun (downloaded ko lang kasi sa mininova. hehe).
saya ng weekend ko no? hindi? okay, sabi mo eh. eneweis, basta ako eh enjoy nitong nakaraan weekend ko. sana laging ganun. haha! kaso yun lang, kung laging ganun eh malamang wala akong post dito every weekend. ganun lang.
teka nakailang araw ba ako na sunod-sunod na may post? parang ang konti lang. hay.. oh well. masubukan na lang ulit. aja!
Monday, July 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


4 ang umangal:
oi unang linya palang naka relate na ko. nawala din ako sa blog ng almost 4 days. holiday kasi at tulog mode all the way. grabe mas productive k p nga non weekend, ako natulog lang at kumaen. in fairness pati grocery isama na naten. hahahahahha :>
@tentay - kapag weekends ko lang kasi nagagawa ang mga personal activities ko na ganyan.. kapag weekdays, dyosko, puro trabaho lang ang inaatupag ko.. minsan nga, naaawa na ako sa sarili ko.. 12 hours straight, multiple (official) projects, side projects, at kung ano-anong kachurvahan..
kaya i heart weekends. hehe..
and yes, nag-grocery rin pala kami nung sunday. isa sa mga favorite kong activity kapag sunday. haha!
Tsk tsk wala ka nanaman bago grrr. heheheheheh
@tentay - waaaaaaaaah!! sori po! sobrang plastado lang ako from work.. :(
naka-schedule ako buong week na mag-OT until 9:15 dito sa office, laging pagdating ko sa bahay eh gumagapang na ako sa pagod.
babawi po ako!!!
Post a Comment