at kanina ay natapos ang pitong araw na training ko (with miss shelley baby) sa orange & bronze software labs para sa Spring Framework at Hibernate technologies..
sa pitong araw na iyon, masasabi ko na marami naman akong natutunan pagdating sa mga technologies na itinuro nina sir butch at jm. i mean dapat lang, nagbayad ang company na pinagtatrabahuhan ko para matutunan ang lahat ng pwede kong matutunan sa training na iyon. at masaya naman ako na natapos ang nasabing training nang nadagdagan ang aking kaalaman pagdating sa java software development, hindi lang kung papaano gamitin ang Spring at Hibernate sa mga upcoming projects na mahahawakan ko, pero pati mga best practices sa larangan ng software development, na sa tingin ko ay mas importante.
sa length ng training program na iyon, aside from the main topics na pinag-uusapan, may mga lilitaw na mga side topics tungkol sa software development in general. mga common mistakes, mga norms in programming, best practices in testing business logic. mga ganun. at iyon ang mga pagkakataon na talagang ako ay napapatigil sa kung anong ginagawa ko sa laptop ko (aside from writing code) dahil alam ko na may mapupulot akong little gems sa mga conversations na iyon.
at iyon ang talagang mami-miss ko sa buong stay ko sa orange & bronze.
sa bawat araw na pupunta ako sa office nila para sa training, naiisip ko na ganun ang gusto kong working environment na pagtrabahuhan. ganun kasi ung environment kung saan eh priority ang development at improvement ng skills mo. nakikita ko kasi sa kanila na hindi lang dapat marunong kang mag-program, dapat maging MAGALING ka sa pagsusulat ng programs mo.
ako kase, gusto kong maging isang magaling na software programmer. at ang isa sa pinakamabilis na paraan para matuto ka at gumaling sa craft mo ay makihalubilo sa mga taong magagaling din at matuto sa kanila. at yung mga taong nandun sa o&b ay ilan sa pinakamagagaling na nakilala ko, so far. (at iyon din ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko na makasama sa java faculty program nung company na pinapasukan ko ngayon.)
yung mga ilang nakakakilala sa akin, sinasabi nila minsan na ang galing ko daw pagdating sa programming. dyosko! eh kakainin ako ng buhay pagdating sa programming ng ilang mga taong kilala ko.. kasama na dun sina sir butch at jm ng o&b.
pero wala akong balak na umalis sa pinapasukan ko ngayon. mas gusto ko pa ngang mag-stay ngayon. dahil ang gusto kong mangyari ay maidala ko ang mga natutunan ko from o&b sa style ng software development sa pinapasukan ko. tulad ng importansya ng test-driven design, gawing self-documenting ang sinusulat na codes, code reviews sa mga ginawa within a project, at marami pang iba. gusto ko na maging magaling din ang sistema ng software development dun sa amin. sana talaga mangyari iyon.
hindi ko alam kung makikita ko pa ulit ang mga henyo sa programming na nakilala ko doon sa o&b, pero ang mga natutunan ko mula sa kanila eh hindi na mawawala sa akin. for sure. naks!
salamat ng marami sir butch at henyong jm!
Wednesday, July 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


2 ang umangal:
welkam bak mikko!! 1 post a dey ulet!! hahaha.
tentay!!! :D
1 post per day? cge, try ko..
hehe..
kmusta na ikaw po?
Post a Comment