Tuesday, August 5, 2008

im a penguin noob!

kung mapapansin ninyo, nagbago ang font style nitong blog ko. kasi naman ang aking favorite na georgia font style looks like total shit (well, not really, medyo lang) on linux. well, at least dun sa ubuntu linux installation na gamit ko ngayon sa aking laptop. hindi ko alam kung ganun talaga ang rendering ng georgia font sa iba pang linux distro, pero hangga't hindi ko pa ako nakakahanap ng paraan para maging maganda ang hitsura ng font na yun sa gamit ko na OS, wala, verdana na muna.

big deal eh noh? adik.

so, ayun na nga, ako ay nagsisimula ng mag-migrate to a linux distro (ubuntu 8.04)para sa aking computing life. naisip ko kasi, i guess it's time para masubukan ko naman ang iba. ever since eh sa windows ang nakasanayan kong environment sa development, internet, gaming at kahit na simpleng suite applications. at syempre, dahil sa isa akong programmer, dapat talaga siguro eh magkaroon din ako ng kaalaman sa paggamit ng iba pang technologies.

at syempre, may tulak din ang aking experience noong nandun ako sa training o&b. lahat kasi nung mga co-trainees ko eh naka-linux sa kanilang mga machines. at naisip ko, dapat talaga siguro eh matuto na akong gumamit nun.

kaya ito na nga. as of the moment, burado na ang vista sa aking machine. naka-dual boot na ako ng windows XP sp3 at ng latest na ubuntu. actually, matagal ko nang gustong mag-"downgrade" into windows xp ulit dahil naiirita ako sa katakawan sa resources ng vista. akalain mo ba naman, boot-up pa lang eh 800+ MB na agad ang nagagamit. dyosko! ilang applications na ang pwede kong mapatakbo dun ah?!

eh nung tine-testing ko nitong linux, nagda-download ako ng 200+ emails from my Gmail account dun sa thunderbird app, naglilipat ng 40GB worth ng mp3 galing dun sa external drive ko, nagcha-chat, nagba-blog eh nasa 300MB pa lang ang nagagamit ng system. laking tipid nun. feeling ko pwede ko pang sabayan ng pagpapatugtog ng audio files o panunuod ng video eh. hehe.

aside from using itong ubuntu for systems development, gusto ko sana na as much as possible eh dito ko na rin magawa ang karamihan sa mga computing needs ko. op kors, except sa computer gaming, dahil olats talaga ang linux pagdating sa mga high-end games. talagang sa windows ang takbo ko nun. lalo na kapag dumating na yung fallout 3 ng bethesda softworks. :)

dami ko pa aaralin para maging efficient na linux user, pero sabi nga ng isang kaibigan ko, "sanayan lang yan." lahat naman napapag-aralan, at sa mga darating pang mga araw, itong linux naman ang aking paglalaruan, kakalikutin at pag-aaralan.

2 ang umangal:

Mha'ri said...

man i miss blogger!!!!

so yeah, you're checking out linux, huh. i have lotsa linux distro here at home i think u know why. hahahhaha

mikko said...

@mha'ri - gurl, i miss you!!! :P

hehe.. yeah, i think i know why. XD

i haven't touched my windows installation for a week now, been having too little sleep, been reading a lot of man pages..

i'm really getting into using this ubuntu thing.. hahaha! :D

Post a Comment