Thursday, August 28, 2008

imaginary friend.

nitong nakaraan lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na makitang muli ang aking long time (at long lost) friend na si crystal prado. halos 8 years na kaming magkaibigan, pero nitong mga nakaraang buwan (o taon?) ay bibihira kaming magkita. kahit nga sa text or tawag ay naging malimit din ang aming koneksyon. pareho kaming naging abala sa sari-sariling naming mga buhay.

ang tawag namin sa isa't isa eh "imaginary friend." wala kasing nakakakilala sa akin sa kanyang circle of friends, at ganun din sa akin. naikukwento lang ang isa't isa, pero hindi naipapakilala. madalas ay may sarili kaming mundo kapag nagkikita kami at nagkukuwentuhan sa kung anu-ano na nga ba ang nangyayari sa aming buhay-buhay.

nitong huling pagkikita namin, naging isang magandang araw para maipagpatuloy ang aming pagbabahagi sa bawat isa ng mga kwento ng buhay. ngunit isa ang araw na iyon sa mga pagkakataon na naging paraan upang aking pagnilayan ang mga nangyari at nagbago sa akin.

isa si crystal sa mga kaibigan ko na talagang matatawag ko na idealist. sobrang pinanghahawakan niya ang kanyang ideyalismo at pinaninindigan ang sa tingin niya ay tama. bagay na bagay sa kanyang propesyon bilang isang abogado. noong nakilala ko si crystal ganyan na siya, at noong mga panahon na iyon, ganun din ako.

pero sa paguusap namin nitong nakaraan, na-realize ko kung gaano na pala nagbago ang mga pagtingin ko sa bagay-bagay. kung papaano na napalitan ng pagiging praktikal ang aking pagiging ideyalista. kung dati ay naninindigan ako, ngayon ay gumagawa ako ng kompromiso. kung dati ay sinusunod ko kung ano ang nakasulat at dapat sundin, ngayon ay humahanap ako ng paraan para mahanapan ng butas ang sistema at i-exploit ito. dati, iniisip ko na basta hindi ako nalalamangan, ayus lang. pero ngayon, hindi pwedeng pantay lang, dapat nakalalamang ako. bibliya ko ang 48 Laws of Power.

kahit sa larangan ng pagibig at pagre-relasyon na kung saan dati ay masasabi ko na ako ay isang romantic, pero ngayon sa sobrang pagiging practical ko ay nagiging cynical na rin ako. (kaya siguro hindi ko na matapos-tapos ang "screenplay" na isinusulat ko kasi alam ko na hindi naman talaga ito pwedeng magtapos sa kung papaano ko ito unang naisip.) oo, sa tingin ko ay importante rin na mahal mo ang nais mong makasama, pero sabi nga ng isang sikat na kanta, "sometimes, love just ain't enough." hindi totoong "love conquers all." at hindi totoo ang "one true love." si Neo lang ang "The One", wala ng iba.

natatawa na lang ako ng ma-realize ko ang mga bagay na ito. hindi ko kasi napansin na nagiging ganoon na pala ako hanggang nung magkausap kami ni crystal at naikumpara ko kung papaanong siya ay ganun pa rin at ako ay nag-iba na.

hindi ko alam kung mababalikan ko pa kung papaano ako dati, hindi ko rin masyadong inaasahan na maging ganun ulit ako. pero sa paguusap namin ni crystal at noong nakikita ko sa kanyan kung gaano siya ka-satisfied sa buhay niya "despite of it all", naiisip ko na maaring iyon nga ang nagiging kulang sa akin ngayon. mga ideyalismo, hindi pagbitaw sa mga pangarap, pagiging laging positibo, paniniwala na magiging maayos ang lahat sa huli. mga bagay na pinaninindigan ng mga bida sa mga istorya.

pero wala eh, i love flirting with the dark side of the force. pero malay ko, kung si anakin nga eh naging masaya rin sa huli (kaso deads naman siya), baka makuha ko rin sa huli ang satisfaction na hinahanap ko.

sa susunod na magkikita kami ni crystal (na sana daw eh hindi naman na abutin ng 2 taon) sana ay may mga bagay ulit ako na marealize tulad nito. mga bagay na kikiliti sa pagiisip ko at mapagninilay-nilayan. kaya sarap kausap ng isang yun eh.

2 ang umangal:

gillboard said...

may mga ganun din akong mga friend...
from other circle of friends.. kaya parang imaginary... nagmumukha tuloy ako sinungaling minsan kasi di makita ng ibang tao friends ko.. hehehe

Hazel Diva said...

hi there! im not sure if this crystal prado is the same college friend I've been trying to reach. is she from UST? thanks! ;)

Post a Comment