noong kami ng tropa ko ay kaka-graduate pa lamang, kami ay bumuo ng isang grupo ng mga freelance programmers at naisipan naming gumawa ng mga custom computer systems at i-market sa mga small to medium size businesses. naisip namin na ito ay isang magandang simula para magamit namin at mapabuti ang aming mga kakayahan sa larangan ng computer programming at in the same time eh kumita ng kaunti.
pero nagkaroon lang kami ng isang project na talagang natapos namin at pinagkakitaan. isa itong inventory and accounting system para sa isang truck hardware retailer sa monumento. naisip rin namin na gamitin yung system namin noong college (computerization ng releasing ng legal certificates) at tuluyang i-market sa manila city hall, pero hindi na natuloy dahil sa dami ng issues sa kanilang IT department at red tape. na-tap din kami na gawin ung pag-automate ng releasing police clearance sa isang municipality sa bulacan, pero hindi na natuloy dahil sa karamihan sa mga miyembro ng grupo ay naging busy na sa kanilang mga "official" na trabaho or busy sa paghahanap ng "official" trabaho.
after noon, nag-decide kami na itigil muna ang aming freelancing at i-try na tumutok sa corporate world at kunin ang lahat ng pwede naming matutunan. at kung papalarin na pagdating ng panahon eh mag-decide kami na subukan muli na itayo ang grupo, hindi na lang yabang ang meron kami kundi pati yung sapat na karunungan to backup ang yabang na yun.
after two years, nag-decide kami na buhayin muli ang grupo. pero this time, hindi para bumuo ng isang money-making venture; nag-decide kami na buhayin ang grupo dahil mayroon kaming isang magandang ideya na susubukan naming gawin na isang makabuluhang proyekto.
kanina ay nagkaroon ang grupo ng first official meeting tungkol sa project na gusto naming gawin. hindi ko pa mai-kwento dito kung tungkol saan at kung tungkol sa ano ang project na iyon dahil iniiwasan ng grupo na manakaw ang ideya na ito. pero kapag nagawa na naming mai-lunch ang project, maari na akong magkwento ng mga detalye. ang maiku-kwento ko lang ngayon tungkol sa naganap na meeting ay naging isa itong masayang brainstorming session. maraming mga ideya ang pumasok at maraming mga bagay ang unti-unting nagkakaroon ng kabuuan. sana sa susunod na meeting sa darating na sabado, mas marami pa sa grupo ang dumating at magbigay ng kanilang mga ideya at kuro-kuro para sa proyekto na ito.
excited ako para sa binabalak naming gawin. naniniwala kami na isa itong magandang ideya at umaasa na mailabas namin ito ng maayos at eventually ay maging isang malaking community-based project.
kami nga po pala ang RAYAMA, at kami ay nagbabalik.
Sunday, August 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



2 ang umangal:
guess who's back... back again.. guess who's back... tell a friend.. hehehe.
break it down!
@mha'ri - ayun na nmn eh, naging hip-hop ka bigla jan.. :P
sana makapunta ka sa meeting on saturday! hehe..
Post a Comment