asteeg. masquerade ball.
pers taym ko na aattend sa isang masquerade ball. hindi kasi ako mahilig sa mga sosyalang mga event na ganyan, hindi uso sa bundok namin ang mga ganyan. ang balita ko sa ilang mga ka-opisina ko na medyo matagal na sa aming kumpanya eh talagang kinakarir daw ng mga tao ang ganitong mga event. as in todo sa costume. pabonggahan. karir kung karir.
so ako naman eh medyo napaisip. baka naman maging masyadong under-dressed ako sa event kung hindi ko bibigyan ng effort ang susuotin ko or at least eh magdala lang naman ng maayos na mask para sa parteeh. so, sa aking paghahanap ng pwedeng maging attire ko sa gabi na iyon, naisip ko na (medyo) gayahin ang outfit na ito ni justin:

asteeg no? naisip ko, i could lose the jacket pero kailangan na meron paring fedora hat and maybe gawing darker shade ang motif ko (hindi kse masyadong bagay sa akin ang brown). meron na akong susuotin na pants at long-sleeved shirt. isang cool na cool na fedora na lang ang kulang.
kanina nag-ikot-ikot na ako sa galleria, looking for a nice (and affordable) fedora, pero so far eh wala akong makita na swak sa size ko. hindi pa kse lumalaki ang ulo ko kaya hindi magkasya yung medium sizes. small pa rin talaga. may mga mura akong nakita doon sa may 50th avenue, pero walang size na para sa akin. ganun din sa iba pang mga stalls at boutiques na pinuntahan ko. although meron akong nakita sa TopShop pero sobrang MAHAAAL naman. solb na solb sana dahil ang ganda ng material at talaga namang 10,000 pogi points ang dagdag kapag suot mo at swak na swak sa akin yung size. pero ang 1,440 pesoses eh masyadong mahal for a hat na susuotin ko ng paminsan-minsan.
try ko na lang siguro maghanap sa trinoma bukas at sa mga darating pang mga araw.
sana lang talaga eh maging maganda yung mask na ipapahiram sa akin at buo na ang aking paghahanda para sa bonggahang parteeh sa darating na weekend. pero sobrang kating-kati ako na makabili ng maayos na fedora. naisip ko kasi na pwede ring pamporma yun kahit na hindi sosyalang event. kahit sa simpleng shirt, khaki shorts at asteeg na sandals eh bagay yung fedora. ayus pamporma sa darating kong vigan trip.
kaya sana eh makabili na ako para kumpleto na ang pagfi-feeling justin ko. hehe.


5 ang umangal:
magsusuot din ako ng fedora! pag nakahanap ka, pabili din! gusto ko ng plain black :D
p.s. nakita ko rin yung sinasabi mo sa topshop (sabi ko sayo naghahanap nga rin ako ng fedora :P)
bwahahahahha! sobrang uso yata ang fedora ngayon ah.. hmm..
meron akong nakita nung weekend sa g.gozum, 300+ lang.. pero ndi kasing ganda nung nasa topshop..
syet.. parang gusto ko talaga bilhin ung nasa topshop. ang gwapo eh. hahahaha! XD
for a second there, i thought you were talking about the 'fedora'!
i was.. but i was also talking about what i would wear on saturday for the parteeh. :D
hehe..
sorry, magulo lang talaga ang takbo ng utak ko most of the time. :)
shemai... iba na tlgah ang friend ko... pa justin justin look nlng.
can't wait for u to blog about it. hehe
cheers!
Post a Comment