Saturday, September 13, 2008

QS1 Training. check. next one please!

so.. kakabalik ko lang galing sa isang corporate training na tinatawag na Quality Service for the Client 1 (o mas sikat sa amin sa tawag na QS1) na ginanap sa Meralco Management and Leadership Development Center sa antipolo. naging masayang eksperyensya ang naganap na training at (tulad ng mga kwento at sabi-sabi ng mga nanggaling na sa MMLDC) nag-enjoy naman ako.

yung QS1 training at patungkol sa halaga ng pagbibigay ng Quality Service para sa mga kliyente ng kumpanya at kung papaano namin, bilang mga consultants, maibibigay ang Quality Service na ito sa kanila. may mga natutunan naman ako, na sana ay aking ma-apply ng maayos sa aking trabaho. nalaman ko rin mula sa mga diskusyon kung saan anong aspeto pa ng aking trabajo kailangang pag-igihan upang maibigay ko ang dapat na serbisyon para sa aming mga kliyente.

naks! parang totoo na eh noh? hehehe..

maliban sa mga natutunan ko mula sa mga diskusyon, nag-enjoy din ako sa mga activities na kasama sa training. yung mga role-playing, self-evaluations at mga ice breakers. sobrang kinarir ko yung IQ questions dun sa ice breaker sessions. aba! highest pointer yata ako dun! at nakatulong ang mga points na nakuha ko dun para sa team namin! hahahaha! sabi ng mga kagrupo ko eh sobrang competitive ko daw pagdating dun sa IQ questions. hehe. kse naman po, ndi ako pwede sa mga physical na sports, so babawi na lang ako sa ganun. :D

sayang lang talaga at maulan nung hapon na pagkatapos ng training, hindi tuloy kami nakapag-ikot-ikot ng mga co-trainees ko doon sa rainforest at aviary na nasa loob ng center. so napilitan na lang kaming tumambay sa aming mga designated rooms. ako, nanuod ng arirang (yes, the korean channel) at nagpaka-praning dun sa korean language lesson on tv. hahahaha! noong kinagabihan eh nagkayayaan na mag-karaoke at inuman. so ayun, kumanta ako, uminom sila. kaso, til 11pm lang daw yung karaoke, so medyo nabitin kami doon. pagkatapos nun eh tambay sa room nina siegfred until inantok na lang ako at nag-decide matulog ng mga around 1am.

kaso, nagkataon lang na yung 2 na dapat kasama ko sa room umalis ng gabing iyon. yung isa eh kailangang umuwi at yung isa eh may date sa kanyang labidabs. so natulog ako mag-isa sa isang kwarto na merong tatlong kama. very nice. buti na lang at hindi ako matatakutin sa mga ganyang scenario (sa aso lang ako takot) at napasarap naman ang tulog ko.

oo nga pala nabanggit ko na ba yung tungkol sa pagkain? syet. ang sarap ng pagkain sa MMLDC. mami-miss ko ang mga pagkain dun the way na nami-miss ko ang sarap ng mga pagkain sa shangri-la hotel, makati nung Sun Tech Days. (well, of course mas masarap pa rin ang pagkain sa shangri-la, hands down.)

sa kabuuan, isang magandang eksperyensya yung training na yun. marami akong natutunan, marami rin akong bagong mga nakilala mula sa aming kumpanya (na ilan eh dating hindi ko pinapansin kahit nakikita ko sa lugar namin) at masaya ang mga iba pang aktibidades na ginawa. sobrang looking forward ako sa mga darating na corporate training na pwede kong salihan. sa oktubre daw ay merong Working in Teams na training, kakausapin ko na si boss debby para makasama ako dun. hahahaha!

sayang lang talaga at wala akong sariling digital camera ngayon kaya wala akong maibahagi na mga litrato ng naganap na training. subukan kong humingin ng kopya ng mga litrato kay siegfred at kay bagong kaibigan na janine (na kapatid ni shelley baby).

7 ang umangal:

missyosigirl said...

mmldc = kabondatan sa pagkain talaga. katatapos lang ng lunch biglang may merienda na naman. tapos biglang dinner na?! nakow.

kamusta naman ang aking kapatid na janine? para ba kaming magkapatid talaga or parang nakakagulat na magkapatid kami? :P hehehe.

na-upload na ni youngie aka janine yung pics niya sa multiply niya :)

mikko said...

okay naman siya, napagtyagaan nya naman akong kasama dun sa training. hahahaha! XD

saka alam ko na before hand na sister mo sya before ko pa sya nkasama dun sa training. noong sportsfest ko yata nalaman.. actually, sya nga itong nagulat na magkakilala pala tayo. hehe.

check ko later ung multiply nya para dun sa pics.

rakenrol. :)

abi said...

wow! QS1! sa rami ng traingin ko sa mmldc, never ko pa syha nalibot as in libot.. lagi akong nakakulong sa kuwarto at natutulog dahil sa kabusugan (at dahil masarap ang kama dun). Marami ka pang trainings na mararanasan so enjoy lang! :)

mikko said...

@abi - sobrang looking forward talaga ako sa mga susunod na trainings sa MMLDC. sana nga ndi na maubusan eh. hahahah! XD

miss ko na yung pagkain dun.. parang kulang na sa lasa ung mga pagkain na kinakain ko dito sa canteen sa BSC. shucks. :(

fairlynhaducasarga said...

very nice food, and really nice place..yun nga lang naiwan ko yun starbucks tumbler ko dun...hmp, di mo sinabi na pupunta ka pla dun, e di sana pinakuha ko un tumbler ko..haha

iriz said...

naks naman, busy days. ayus yan dear, go,glow and grow (parang pagkain lang din).

ako, i'll be out for a moment muna, mamimiss ko mga malilikhain mong pagpapaskil, naks.

cge, take care!

mikko said...

@iriz - naks! malikhain talaga ah.. hehehe. thanks! :D

Post a Comment