Thursday, December 25, 2008

gifts and goodies!

tangina, tama na nga muna yang profanities and hostilities. don't worry, medyo okay na ako. nakahinga na, nakapag-labas ng sama ng loob at nakakain na ng marami nitong pasko. hehe.

at dahil pasko ngayon, naisipan kong mag-post ng tungkol sa pasko. at kapag pasko eh uso ang bigayan ng mga regalo, kaya ang naisip ko na i-post ngayon eh tungkol sa mga regalo na nakuha nitong mga nakaraang araw. so, kinuhaan ko ng pics ang ilan sa mga regalo na nakuha ko at gumawa ako ng simpleng mosiac:


1. a Victorinox Commander Bag - gift sa akin ni girlfriend na kasama sa wishlist na binigay ko sa kanya. well, hindi ko naman specifically nilagay na Victorinox bag ang gusto ko, sabi ko lang eh messenger bag ang style at pwede ko magamit sa office as well as sa gimikan. i love it. hehe.

2. a pair of Converse sneakers - ito naman eh gift ko sa sarili ko. i love the geekiness of the design. pati boss ko eh inaasar ako na masyado ko naman daw pinaninindigan ang pagiging geek ko at pati design ng sapatos ko eh ganyan.

3. Armando Caruso argyle socks - gift ulit sa akin ni girlfriend. gusto n'ya kse na meron akong bubuksan na gift pagdating ng december 25, yung gift n'ya k'se sa akin na Victorinox bag eh ginamit ko na agad hindi pa man dumarating ang pasko. sabi ko rin k'se sa kanya na isa sa mga trip ko na fashion churva ngayon eh argyle socks.

4. The Bourne Identity DVD - gift sa akin ni esmee siy para sa secret santa namin noong christmas party ng "corporate friends" (A.K.A. former Banksphere pipol). nakakatuwa na last year si esmee naman ang nabunot ko for secret santa at binigyan ko s'ya ng CD ng Under Southern Lights album ng Urbandub.

5. a Berlin wallet - pasalubong ni jons from his Germany trip. the lucky bastard got to travel a lot in europe for the past year. noong una, kasama namin s'ya sa Spain, tapos nito past 3 months eh nasa Germany naman. kainggit.

6. a Cosmonaut figurine/picture frame - gift sa akin ni ainy. i'm thinking of putting it on my desk at work, but i'm hesitant on putting a pic of myself on it. it's cute enough on its own. :)

7. a plastic tumbler - gift ni archie sanchez, head ng Java Faculty sa Soluziona. actually, gift n'ya for all members ng Java Faculty.

8. Toyota/Jaworski T-shirt - gift sa akin ni shelley. talagang pinangalandakan na old school ako eh noh? hahaha! thanks a lot shelley! i love it!

9. an Armando Caruso hanky - naks, parang ang sosyal ng name. haha! isa sa mga goodies na pinamigay noong christmas party ng "corporate friends", care of niza juhani.

10. a pen with lace - isa ulit sa mga goodies na pinamigay noong christmas party ng "corporate friends", care of thirdy lopez.

11. a cute bear cellphone thingamajig - yes, another one of the goodies from the "corporate friends" christmas party. ito naman ay galing kay jesslei segovia.

12. a smiley keychain - goodies ulit from the "corporate friends" christmas party, this one from leia krista. currently nakakabit ito ngayon sa aking bagong bag, cute eh. hehe.

i'm still thinking of buying myself a new watch (i saw this really nice watch from Fossil), pero parang andami ko ng gastos kaya medyo nagdadalawang isip ako na bilhin. pag-isipan ko pang mabuti.

5 ang umangal:

gillboard said...

dami gifts ah... merry christmas!!!

missyosigirl said...

picture na suot mo yung shirt! hehehe.

tapos suot yung argyle socks and converse sneakers. walang pants. wahahhaha.

E.J. said...

nic3 sh03s

Skron said...

The cosmonaut picture frame is way too cool. The shoes too.

Merry Belated Christmas!

mikko said...

@gillboard - im pretty sure dami ka ring gifts nitong nagdaang xmas. hehehe..

@shelley - uu nga, magpapapicture pa ako na suot ko yang shirt na bigay mo. tho im not sure kung kaya ko na walang suot na pants. heheheh. :D

@ej - yeah, i know, huh? love 'em shoes.

@skron - thanks man! happy holidays to you too!

@everyone - censya ngayon lang nka-reply, i just got back from a family reunion thing at BICOL. hehehe. rakenrol!

Post a Comment