mayroong isang bagay na gumugulo (sort of) sa aking isipan patungkol sa aking buhay opisina.
noong isang linggo, sa pagsisimula ng sun tech days conference na aking dinaluhan, ako ay tinawagan ng aking bossing mula sa opisina. una, nangamusta sa status ng main project na hawak ko. nagtatanong kung nasaan na kami sa user testing at kung ano pa ang mga dapat gawin. basic stuff. syempre kailangang magbigay ng status report, lalo na wala ako sa opisina dahil ako ay nagpapakasasa sa pagkain ng shangri-la hotel sa makati. pagkatapos nun eh biglang humirit si bossing ng "
actually, that's not why i called you.."
ayan na..
mayroon daw silang bagong project. gagawin sa java. sa SPAIN ang deployment. aba, may ngiting namuo sa aking mga labi. they are considering me daw para dun sa project na iyon. una, dahil sa aking background sa java development at pangalawa, dahil sa nakapunta na ako ng spain last year. i guess naisip nila na may advantage na ako sa mga aspeto na iyon. todo na ang ngiti ko niyan. medyo naglalaro na sa isipan ko ang mga imahe ng Madrid, Barcelona at ang aking muling pagbisita sa Toledo. summer na ngayon doon, masarap mag-beach. at buhay na naman ang summer sale sa halos lahat ng lugar doon. magandang timing na makapunta ulit doon.
kaso..
bigla akong hiniritan ni bossing ng "
but we have other plans for you." sa aking isipan, may bumulong ng "
ano daw?" medyo hindi agad nag-sink in ang mga sumunod na sinabi ni boss. basta merong patungkol sa nag-decide sila na kumuha na lang ng isang tao mula sa team ko kapalit ng slot ko, na kaya niya sinabi sa akin dahil sa member ng team ko ang kinuha..
yadda, yadda, yadda.dahil sa medyo natuliro pa ako, nung tinanong ako ni boss kung okay lang daw sa akin, ang sabi ko eh oo. malamang. pero pagkatapos ng paguusap na iyon at naglalakbay na ako sa kahabaan ng edsa, ako ay nakapagmuni-muni. ako ay biglang napa-
WTF?! i was suppose to be going to spain, tapos biglang naglahong parang bula?! huwat da?!
ngayon..
ito na nga, ako napaisip. bakit biglang binawi ang pagkakataon na iyon sa akin? may mali ba akong ginawa nitong mga nakaraang araw? meron ba silang hindi nagustuhan sa aking pinaggagawa sa opisina nitong mga nakaraang araw? well, hindi ko alam, wala namang silang nasabing ganun o patungkol sa ganun. matagal ko ng inaantay na magkaroon ng pagkakataon na makabalik muli doon sa spain. alam ko na lumiit ang chance na makabalik ako simula ng umalis ako mula sa original na project ko, pero hindi ako nawalan ng pag-asa dahil sa alam ko na maraming projects ang papasok galing spain, at baka maka-tsamba ako. at ito na nga, may dumating, pero kumapos.
pero, sasabihin ninyo eh
they have plans for me. naisip ko na rin yan. at naisip ko na rin na it doesn't immediately mean na yung plans na iyon eh something better kesa sa deployment sa spain. tama po ba? pwede.
now, ayoko namang isipin na i'm such a greedy motherfucker na ang gusto eh lahat na lang ng mabubuting pagkakataon ay makuha. alam ko na merong iba na hindi talaga mabigyan ng pagkakataon na ma-deploy abroad, ako naman eh nakapunta na last year, give chance to others naman. di po ba? pero.. sa mga ganitong sitwasyon sa ating mga propesyonal na buhay, naniniwala ako na dapat eh kunin natin lahat ng pagkakataon na pwede nating makuha para sa ikabubuti ng ating estado at karerang propesyunal. this is a rat race and i want to get as much cheese as i can.
yeah, maybe i'm a greedy motherfucker.
ewan ko. siguro nga nagiging bitter lang ako dahil sa hindi ako napili in the end at hindi ko alam kung bakit. sobrang kating-kati ako na makapunta muli ng espanya na hindi ko na nakikita ang positive side ng sitwasyong ito (sana talaga meron). sabi ng ilang nakilala ko, isipin ko na lang na baka mas maganda pa ang darating na pagkakataon. malay ko daw ba, baka sa susunod na project papunta doon eh ako naman na ang mapili. sana nga.. sana talaga.
sa loob ng mga dalawa o tatlong lingo, aalis na yung team member ko na napili kapalit ko para sa project papuntang spain. so mga dalawa o tatlong lingo pa akong mai-inggit hanggang sa kanyang pag-alis..
ang saya-saya naman.