eneweis, moving on to the topic on hand, nitong nakaraang weekend eh ginanap ang employee's day ng aming kumpanya. nagkaroon ng mga masasayang aktibidades tulad ng carnival games, finals ng band competition, ilang dance numbers galing sa mga newbies at syempre libreng food.
in fairness, maaga akong dumating doon sa meeting place noong sabado. 9am daw yung ETD, pero 8am palang nandun na ako. hindi naman masyadong excited eh noh? hindi naman. tama lang. sa mga nag-aantay dun sa meralco steps, siguro pangatlo o pang-apat yata akong dumating. naks! pero kapag sa opisina, laging buzzer beater.
ito kami ng mga tropa ko habang inaantay na pasakayin kami sa bus na papunta sa cavite:

nakaalis kami ng ortigas ng mga bandang 10am na, isang oras lampas sa target ng mga organizers. pero sa tingin ko eh lagi namang nangyayari na ganito. filipino time. hindi nagbabago. hehehe. pero, akalain mo ba naman na hindi pa kami nakakalayo eh may hassle na agad. pagtawid pa lang ng ortigas avenue corner EDSA eh nasita na kami agad ng isang MMDA officer. ang pagkakarinig ko eh beating the red light daw.

aside sa medyo mabagal na pagmamaneho ni manong bus driver, wala naman ng masyadong naging hassle. nakarating naman kami ng maayos sa aming destinasyon. pagkarating sa Mount Sea Grand Hotel (bundok na, dagat pa. san ka pa?) eh pila kami agad sa buffet table para lumamon dahil pare-pareho kaming mga gutom ng mga kasama ko. medyo disappointing nga lang yun food. mas masarap pa yung pagkain namin dun sa training namin sa MMLDC. hindi na nga ako nag-second round eh. hehe.
pagkatapos ng lunch eh pahinga konti. piktyur-piktyur kasama ng mga tropa sa banksphere at iba pang projects, tulad nitong dalawa na kasama ko sa piktyur na ito: si siegfred (na nadisgrasya sa slide sa pool kinagabihan ng sabado) at si rachel na pareho kong nakasama rin noong nakaraang training sa MMLDC.

kinahapunan ay nagkaroon ng carnival themed na games. by team yung games, nakasama ako sa makukulit at maiingay na yellow team. sayang lang talaga at hindi kami nakasama sa top three, pero okay lang, nag-enjoy naman ako dun sa mga palaro. medyo sumakit nga lang (hanggang ngayon) ang likod ko nung sinubukan ko yung limbo-rock na game. hirap talaga kapag walang exercise. hehe.

pagkatapos ng games eh nagpahinga muna ako sa kwarto at nag-antay ng oras para sa gaganaping masquerade party kinagabihan. medyo frustrating nga lang dahil hindi ko nagawa yung plano ko na magpaka-justin sa outfit ko para sa party. oh well.. bawi na lang next time. ito ang ilang mga pics sa ginanap na parteeh:
mga hindi ko kilala, pero piniktyuran ko
banksphere peeps.
at syempre ang aking mga co-bloggers na sina shelley at abinaging masaya naman yung parteeh. yung feel ng event eh parang nung xmas party lang. masaya naman yung finals ng musziclaban band contest. daming naka-faeries na costume. dami ring nakakairita yung costume. (haha!) hindi rin masyadong masarap ang food. at least hindi kasing synthetic nung kinain namin nung lunch. hindi na nga lang ako masyadong nakapag-stay up late at nakasama sa sayawan dahil sa sobrang pagod at antok na ako ng mga bandang 12midnight. dumerecho tulog ako habang ang mga roommates ko eh naki-halubilo pa sa dance floor at nag-swimming pa yata. kill joy eh noh? ayus lang, sarap naman ng tulog ko.
kakapanghinayang lang talaga at hindi ko nakarir yung balak ko na costume para sa parteeg na iyon. better luck next time. siguro sa susunod ang pipiliin ko na theme eh yung hindi na kakailanganin ng head gear. hehe.
kakapanghinayang lang talaga at hindi ko nakarir yung balak ko na costume para sa parteeg na iyon. better luck next time. siguro sa susunod ang pipiliin ko na theme eh yung hindi na kakailanganin ng head gear. hehe.



