simula ito ng sa tingin ko ay marami pang susunod. susubukin ko namang maglakbay at pumunta sa maraming lugar na sa mga litrato o sa mga palabas sa tv ko lang nakikita. noon, hindi naman talaga ako mahilig sa ganitong paglalakbay. dati eh solb na ako na at least once a year ay pumupunta kami ng family sa cam sur (dun kasi ang probinsya namin) at naglilibot doon, kasama na yung roadtrip galing dito, dadaan ng quezon, hanggang cam sur. pero noong napadala ako sa espanya noong nakaraang taon para sa isang proyekto sa aking pinagtatrabahuhan, na-realize ko na masarap rin pala ang maglakbay, ang magpaka-turista, ang makakita ng iba't ibang mga tanawin. naks!
eneweis, ayun na nga, isang magandang experience naman ang pagpunta namin sa vigan, pagudpud at laoag. pero medyo olats yung laoag part dahil sa sarado pala ang karamihan sa mga tourist destinations sa laoag kapag lunes dahil scheduled for cleaning daw ang mga ito. yung fort ilocandia lang ang napuntahan nina miss kat at miss joy sa laoag. ayus sa vigan lalo na kung isa kang (philippine) history geek. pero sobrang enjoy ang pag-iikot namin sa pagudpud, pero sobrang nakakapagod. totoo ngang kapag pumunta ka dun, pagod ka na, pudpud ka pa.
pero dahil "a picture is worth a thousand words", ito ang ilan sa mga paborito kong piktyurs na nakunan mula sa aming paglalakbay noong nakaraang linggo para magkwento ng aming kasiyahan:
calle crisologo, heritage village
the "L" word
heritage village, vigan
trying to do some pottery making
burnayan furnace, vigan
vigan pots
@butterfly garden, baluarte, vigan
butterfly macro shot, butterfly garden
@ the syquia mansion, vigan
bantay bell tower, vigan
kalesa hyperdrive
miss marine biologist, saud beach, pagudpud
pagudpud sunset
bangui wind mills, pagudpud
parola ng cape bojeador
patapat viaduct, pagudpud
agua grande, pagudpud
@ bantay abot cave, pagudpud
blue lagoon beach, lagudpud
kaibigan falls, pagudpudmukhang masaya diba? kaya looking forward na ako sa aking susunod na destinasyon. next year, dapat meron ulit akong mapupuntahan na talaga namang hindi ko malilimutan, at actually, napili ko na kung saan ko gustong gamitin ang makukuha kong travel plan galing sa aming flexben: caramoan islands. syet. kailangan na ulit mag-ipon. hehe.



