ang iba sa kanila eh after 15 years ko since makita ulit ng personal (karamihan eh sa mga social networking sites ko na lang nakikita o nakakausap), ang ilan eh since college pa. long time no see talaga. kaya sobrang excited kami na nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita-kitang muli at magkabalitaan kung ano na nga ba..
op kors, expected sa amin na by this time eh mga yuppies na. merong mga ilan na pamilyado na rin or nagsisimula ng gumawa ng sariling pamilya, pero karamihan eh mga career oriented at talagang nagpapayaman yata ng husto. merong mga naging nurse, merong mga naging guro, merong mga nagtatrabaho sa call center industry, merong mga naging big boss na at merong mga nagtataguyod ng sariling business. nakakatuwang isipin na naging mga kapaki-kapikanabang namin kaming mga mamayan ng bansang ito.
nakakatuwa rin na kahit all this years, may mga bagay din na hindi nagbabago. ang mga dating makukulit at maiingay, makukulit at maiingay pa rin. ang mga palaging pro-active, eh maasahan pa rin. ang isa nga eh nagdala pa talaga ng laptop para gawing registration booth para sa mga dumalo sa pagtitipon at meron pang nagdala ng mga class pictures at yearbook. meron ding iba na hindi nagbago ang mga hitsura; niloloko nga namin ang isa na kapag sinuotan namin siya ng uniform ng elemetary eh kamukhang-kamukha pa rin niya yung nasa class picture.
naging masaya naman ang pagtitipon, aside sa sandamakmak na kwentuhan ng kung ano na estado ng bawat isa sa kasalukuyan eh puno rin ng kantahan (sa RedBox, Trinoma kasi ang venue), inuman at kainan. syempre hindi maalis sa mga ganitong pagkikita ang mga tuksuhan at hiritan ng mga bagay-bagay sa nakaraan, tulad ng kung sino ang na-link kanino at mga pantukso na tawag noong kami'y mga bata pa.
pagkatapos ng pagtitipon sa RebBox ay nag-decide na tumambay muna sa Starbucks at kumain habang inaantay ang oras para tumungo sa isang comedy bar sa quezon avenue. pero hindi na ako nakasama sa gimikan na iyon. kinailangan ko na kasing samahan si girlfriend pauwi.
at dahil a picture is worth a thousand words, ito ang ilang litrato para dumagdag sa word count ng blog post na ito. hehe..
masayang pagtitipon ang naganap, sana ay may susunod pa. at sana sa susunod eh mas marami pa ang makadalo. todo reunion na ito! hehe.
addendum:
addendum:
although masaya yung naging pagtitipon, hindi naman masyadong naging maganda ang pagtatapos ng gabi. may ginawa na naman kasi akong katangahan na ikinagalit ni girlfriend. kaya ayun, tampuhan na naman kami. hay.. sorry na bebeh ko.


4 ang umangal:
uy, finally, nabuksan ulit ang blog mo... ang tagal kayang nagkakaproblem nito.. good to hear from you again!
waw! panaler ish ei! hehe
glad to see you enjoyed.. ope there are no more over aged tantrums going on... (pang mga retard lng un lolz) i know u could deal with things. keep it smooth...
be gud!
@gillboard - dude! hehehe.. na miss ko na rin mag-post talaga eh.. meron akong ilang mga post na saved as draft pa rin. nga pala, read about ur dad, hope he gets well soon! rakenrol!
@mha'ri - im trying to be always good. hehehe.. sana nga wala ng mga mag-iinarte jan sa tabi-tabi, kakairita eh, sarap upakan. :D
wala pa rin ba tayong converse sneakers parteeh? hahahah! XD
Post a Comment