Saturday, April 25, 2009

let's save chuck!

next week, last episode na ng season 2 ng paborito kong geek comedy TV show na Chuck. at kapag mamalasin, baka last episode na talaga ito dahil nanganganib na i-drop na ang show from the NBC network. so far, wala pa ring balita kung ililipat ba ito ng network para ma-renew or talagang matatapos na ng tuluyan.

kakatapos ko lang mapanuod yung 2nd to the last episode ng season na ito, and its definitely the best episode so far of the season. medyo matagal na rin sa season na ito na napatawa talaga ako ng husto at natuwa sa mga karakter. medyo matumaw kase ang ilang episodes sa gitna ng season, minsan parang wala sa tamang sequence, minsang parang paulit-ulit. pero nitong mga huling episodes, nagiging maganda na ulit. parang season 1 na ulit. at SANA hindi dito matatapos ang mga kasiyahan na binibigay ng show na ito.

marami rin akong mga kaibigan na gusto ang palabas na Chuck. may ilan na nakakasunod sa geekness ng show at sa mga pop culture references na pinapakita bawat episodes (i'm a computer & gaming geek myself). may ilan na nanunuod dahil sa kalokohan ng mga buy more weirdoes. ang ilan ay dahil sa love story nina Chuck at Sarah. marami rin upang mapanuod every week ang hotness incarnate na si yvonne strahovski (yeah!).

pero hindi pa sure kung babalik for season 3 ang tropa ng Chuck. so, para sa mga fans ng show na ito, baka meron tayong magawa para mapagmuni-munihan ng mga executives ng NBC na ipagpatuloy pa ang istorya. maraming mga fansites ang nagbibigay ng mga suggestions kung papaano tayong mga fans eh makatulong sa campaign. una na rito ang pagsusulat sa NBC network mismo. ang ChuckTV site eh mayroong "Chuck Campaign: Watch/Buy/Share" at "Chuck Campaign: Write a Letter". ang Zachary-Levi fansite ay mayroon namang "Chuck versus The Footlong campaign" na nakakatuwa.

after nitong post na ito, ang next composition ko naman eh emails para kay Ben Silverman at kay Angela Bromstad (mga executives ng NBC network). im joining the campaign. i'll try and do my part in saving Chuck.

2 ang umangal:

gillboard said...

what?! maaaring tanggalin yun? yang palabas na yan na nga lang yung gusto kong panoorin ngayon eh... sigh..

mikko said...

@yup, maaaring matigil na ang mga adventures ni special agent carmichael. i know, its very sad new indeed. :(

kaya sama ka na sa campaign! malay mo! :D

Post a Comment