medyo matagal ko ng pinag-iisipan na baguhin ang layout nitong site na ito, kaso yung ibang mga templates na pwedeng pagpiliin dito sa blogger eh hindi ko masyadong trip. medyo matagal na rin akong nag-aantay na magkaroon ng ibang mga pagpipilian na templates dun sa Layout tab nitong blogger, kaso mukhang wala na sigurong darating na bagong mga templates.
so, naisipan ko na maghanap-hanap ng mga templates na pwedeng kong ipalit dito. pero so far, wala akong magustuhan. ayoko naman ng masyadong flashy na layout o yung maraming kung ano-ano nakalagay na piktyurs. gusto ko clean lines, cool colors. actually, parang nitong template na pinili ko sa listahan ng available templates.
siguro nga masyado na akong attached sa layout na ito, so napag-desisyunan ko na imbes na palitan ang template mismo, i-tweak ko na lang.
gusto ko talaga yung 3-column na layout. medyo OC kse ako sa mga gusto kong nakikita sa site ko na ito. naiimagine ko na nasa left side panel yung mga widgets na patungkol talaga sa site na ito, tapos sa right side panel yung mga iba't ibang links at ka-churvahan na pwede ko pang ilagay. so.. ayun na nga, dahil medyo nakakapag-practice na naman ako ng pag-edit ng mga CSS files na yan (tulong na rin ng mga ginagawa kong prototypes sa trabaho at ilang help online) nagawan ko ng paraan na gawing 3 column layout yung original template design ko dito.
so far so good naman. kailangan ko nga lang isa-isahin yung mga links na nasa blogroll ko at ibalik yung ilang mga widgets na nawala dahil sa ka-engotan ko sa pag-eeksperimento sa mga templates. hehehe.
hopefully, after nitong mga gagawin ko sa layout eh sipagin naman akong magsulat ng mga bagong posts at kwento at kung ano-ano pang patungkol sa wala.
rakenrol.
Thursday, April 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


2 ang umangal:
congrats! matagal ko na rin gusto mag-3 layout. wala lang akong oras... and minsan tinatamad ako :P
@shelley - hehehe.. ako kse ngayon lang talaga nagkaroon ng enough skills (naks!) sa pag-babasa at pag-eedit ng CSS churva na yan. ndi kse ako front end person. hehehe. :D
Post a Comment