Saturday, July 18, 2009

you get what you deserve. or so they say..

ayon sa kasabihan, "kung ano ang itinanim, s'yang aanihin." pero sa nangyari sa akin noong isang araw, parang ang lahat ng itinanim at pinaghirapan ko nitong mga nagdaang taon sa aking trabaho ay napunta lang sa wala.

marahil, masyadong mabigat na sabihin ko na "napunta sa wala". marami naman akong natutunan simula ng pumasok ako sa pinagtatrabahuhan ko ngayon. hindi lang sa mga aspetong teknikal (na importante sa isang I.T. professional), pati na rin mga patungkol sa kung papaano maging isang mahusay na empleyado (salamat sa aking project manager para dito). pero sa nangyari noong isang araw, ang pakiramdam ko (hanggang ngayon), lahat ng pinaghirapan ko ay nawalan ng saysay.

marahil iniisip ng iba na masyado kong dinaramdam ang nangyari; pero para sa akin, dapat ko s'yang damdamin! mabuti sana kung alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat-dapat! mabuti sana kung alam ko (at ng mga taong naka-trabaho ko) na hindi ko pinaghirapan at pinagbutihan ang mga ginagawa ko! and i didn't just worked hard, i fucking excelled at what i was doing!

at ngayon, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong mga hakbang. hindi ko alam kung ipapagpatuloy ko pa ang laban na ito o subukan ko ng makipag-sapalaran sa iba. maraming bagay na dapat pag-isipan pa ng maigi. maraming oras pa na dapat pagmuni-munihan. sana maisip ko ang tamang gawin.

pero sa ngayon, gusto ko lang muna magalit. hanggang sa maubos. para pagbalik ko sa trabaho sa lunes ay makausap na ako ng maayos ng mga tao. para pagbalik ko sa trabaho sa lunes, ipamumukha ko sa kanila na nagkamali sila sa desisyong ginawa nila.